Booster shots iniendorso ni Digong; 2-dose vax clip luma na

Booster shots iniendorso ni Digong; 2-dose vax clip luma na

January 25, 2022 @ 7:30 PM 8 months ago


Manila, Philippines – Binigyang-diin mismo ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang kahalagahan ng pagpapaturok ng coronavirus booster shot para makontrol ang pagkalat ng Omicron variant.

Ang pahayag na ito ng Malakanyang ay matapos na lumabas at kumalat sa social media ang isang lumang video kung saan sinabi ng Pangulo na ang dalawang doses ng COVID-19 vaccine ay sapat na.

Sinabi ni acting presidential spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles na ang video ay nirecord noong September 20, 2021, panahon kung saan ang booster shots ay hindi pa aprubado sa bansa.

“Mismong si Pangulong Duterte ang nagbigay diin noong Disyembre hinggil sa halaga ng booster shots lalo na sa pagkontrol ng pagkalat ng nakakahawang Omicron variant,” ayon kay Nograles.

“The old video was shot when the country’s main priority was to administer the primary series or the first two vaccine doses to as many people as possible,” dagdag na pahayag nito.

“Malayo na ang pagkakaiba ng sitwasyon natin ngayon sa konteksto ng bakunahan sa ating bansa noong Setyembre. Una, marami na tayong bakuna. Pangalawa, inaprubahan na ng pamahalaan ang paggamit ng booster doses sa mga fully vaccinated bilang pagsunod sa rekomendasyon ng ating health workers.”

“We reiterate our call for the public to be wary of information regarding Covid-19 that does not come from credible sources, makinig tayo sa mga medical expert, hindi sa mga marites,” dagdag ni Nogares kung saan ang Marites na tinukoy nito ay iyong mga chismosa.

Matatandaang noong Disyembre21, 2021, inaprubahan ng Department of Health ang pagbibigay ng booster shots sa mga adults na may tatlong buwan nang nakatanggap ng kanilang second dose, at dalawang buwan naman matapos maibigay ang single-dose vaccine.

Inendorso rin ng World Health Organization ang “broader access globally” to current Covid-19 vaccines for primary series and booster doses amid the spread of Omicron variant across and “in the hope that this also mitigates the emergence and impact of new variants of concern”. Kris Jose