Booster shots kasama sa 3-day nat’l vaccination drive

Booster shots kasama sa 3-day nat’l vaccination drive

November 27, 2021 @ 3:24 PM 2 months ago


Manila, Philippines — Kasama ang pagtuturok ng booster shots sa isasagawang three-day national vaccination day ng gobyerno sa Nobyembre  29 hanggang Disyembre 1, ayon kay Department of Health (DOH) Director Dr. Beverly Ho.

Sa Laging Handa briefing, sinabi ni Ho na ang eligible individual ay maaaring makapagpaturok ng booster dose sa loob ng mga nasabing araw.

“For those of you who are asking, yes, booster doses will also be provided for A1, A2, and A3 immunocompromised din po during the national vaccination days.”

Sa ulat, target na mabakunahan ang siyam na milyong indibidwal sa loob ng tatlong araw.

Habang itatakda naman ang isa pang vaccination drive sa Disyembre 15 hanggang 17 upang makamit ang goal na makapagturok ng 54 milyong Pilipino laban sa COVID-19 sa pagtatapos ng 2021.  RNT/FGDC