Booster shots sa fully vaxxed tourism workers umarangkada na

Booster shots sa fully vaxxed tourism workers umarangkada na

January 13, 2022 @ 5:50 PM 7 months ago


MANILA, Philippines- Inumpisahan na ng Department of Tourism (DOT) ang pagtuturok ng booster shots para sa fully vaccinated na manggagawa sa tourism industry bilang karagdagang proteksyon laban sa coronavirus disease (COVID-19).

Sinabi ni Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat na karamihan  sa mga rehiyon ang naabot na ang 90 porsyentong vaccination rates sa mga aktibo at eligible na tourism workers bilang parte ng pagsisikap ng departamento na muling buhayin ang sektor.

“We are glad to see the willingness of our tourism workers to get vaccinated grow over the past few months. We continue to encourage them to avail themselves of the free vaccine as this is a critical component for the industry to rebound and thrive in the new normal,” ani Puyat.

Ayon sa DOT chief, ibinabakuna ang COVID-19 booster shots sa tourism workers sa National Capital Region (NCR) at Boracay Island, na susundan ng iba pang tourism destinations kagaya ng Baguio City at Davao.

Inihayag din ng DOT na ang mga nabakunahang manggagawa ay mula sa accommodation establishments na pansamantalang nagsisilbing  isolation/quarantine facilities, regular hotels, tourism enterprises, tourism support services, at community-based tourism organizations.RNT/SA