Booster shots tripleng proteksyon vs COVID – expert

Booster shots tripleng proteksyon vs COVID – expert

December 13, 2021 @ 11:36 AM 10 months ago


Manila, Philippines – Makapagbibigay ng tripleng proteksyon ang booster shot pagkatapos ng dalawang dose ng COVID vaccine, batay sa eksperto.

Ayon kay vaccine expert Dr. Rontgene Solante, nakita sa pag-aaral na ang protective efficacy ng COVID-19 vaccines ay bumabababa sa ika-lima hanggang anim na buwan.

“When you have that high antibody titer, you will also be protected. Less ka makakakuha ng infection…Optimum ang 6 months because maganda ang response compared sa less than 6 months,” saad nito sa panayam ng ABS-CBN’s TeleRadyo. 

“Hinde lang doble pero triple ang protection kumpara sa first and second dose na natanggap nila.”

Paglilinaw ni Solante, wala pang datos kung kailangan pa ulit magpaturok ng booster pagkalipas ng anim hanggang walong buwan. 

“We need to check the possibility, baka mababa na rin ang kaso. Baka enough na ang booster.”  RNT/FGDC