Booster target sa Okt. 8 ibinaba sa 30%

Booster target sa Okt. 8 ibinaba sa 30%

September 22, 2022 @ 5:00 PM 1 week ago


MANILA, Philippines – Nanatili pa rin sa 50% ang booster vaccination coverage sa ilalim ng  Pinaslakas campaign ng gobyerno para sa pagtatapos ng 2022, ayon sa Department of Health o DOH.

Sinabi ng DOH na hindi nagbago ang kanilang target at sa katunayan, ang ilang rehiyon tulad ng National Capital Region o NCR ay nakamit na ang  target na 50% booster vaccination coverage.

“Due to the pace at which our booster vaccination is going, we have adjusted our target only for the first 100 days (Oct. 8) to 30%,” ayon kay DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire.

Gayunpaman, sinabi ni Vergeire na hindi ito  nangangahulugan na magiging maluwag ang DOH sa kanilang pagsisikap at manirahan sa pag-abot lamang ng 30%.

Dinodoble na aniya nila ang kanilang kampanya para maabot at malampasan pa ang target na 30% sa Oktubre 8 at 50% sa pagtatapos ng taon sa pamamagitan ng ugnayan sa iba’t ibang sektor at pagbibigay ng insentibo sa mga magpapa-booster.

Sa huli, kahit na iba’t ibang istratehiya ang gagawin ng pamahalaan para sa booster vaccination kung hindi naman makikipag-koopera ang publiko ay mawawalan rin ng saysay.

“Kaya magtulong-tulong po tayo dito, let us all get boosted and let us encourage everyone we know to get boosted as well so we can protect the people we love and successfully transition to the new normal,” dagdag pa ng opisyal. Jocelyn Tabangcura-Domenden