BOQ kayang mag-isyu ng hanggang 5K yellow card sa buong bansa — director

BOQ kayang mag-isyu ng hanggang 5K yellow card sa buong bansa — director

December 8, 2021 @ 3:30 PM 10 months ago


Manila, Philippines – Kakayanin ng Bureau of Quarantine (BOQ) na mamahagi ng 5,000 international certificate of vaccinations (ICV) sa buong bansa, batay sa ulat.

Sa website ng BOC, ang ICV ay iniisyu sa mga manlalakbay na pupuntang Africa at South America na bakuando na laban sa yellow fever.

“Sa ngayon, nakakapag-issue tayo ng 3,000 to 5,000 na international certificate of vaccination or yellow cards sa buong Pilipinas,” ani BOQ Director III Roberto Salvador Jr. sa Laging Handa briefing.

Sinabi ni Salvador na tinatrabaho na ng ahensya ang pagdaragdag ng satellite stations sa mga mall.

“So ngayon, ini-increase natin ‘yung mga satellite station natin sa mall para mas marami tayong matulungan na mga OFW. Meron tayong special email po at [email protected].”

“Kung meron kayong confirmed ticket o may OEC na ‘yung mga OFW natin, pwede po dito mag log in para mabigyan kayo ng slot kung kayo ay paalis na,” dagdag pa nito.  RNT/FGDC