BOQ may paalala sa paggamit ng e-Arrival card

BOQ may paalala sa paggamit ng e-Arrival card

November 10, 2022 @ 7:33 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Inaasahan na ang volume o dami ng mga inbound travelers ngayong Christmas season.

Dahil dito, nagpaalala ang Bureau of Quarantine (BOQ) sa mga inbound travelers na kumuha ng “e-arrival card” dahil hahanapin ito pagdating ng Pilipinas.

Sinabi ni Dr. Roberto Salvador Jr., deputy director ng BOQ na hindi naman mandatory requirement kapag sumakay ng eroplano ang e-arrival card ngunit kailangan pa rin aniyang magregister nito.

Paliwanag ni Salvador, lahat ng pabalik sa Pilipinas ay kailangang magregister sa e-arrival card 72 oras bago sila umalis sa panggagalingang bansa.

“Nakikiusap kami na lahat ng pabalik dito, magregister within 72 hours pero dun sa mga may problema mag-register mayroon namang ilalagay na staff na tutulong na mag-accomplish pagdating dito sa Pilipinas,” saad ng opisyal.

“Ang pinapakiusap natin sana po ma-accomplished nila doon pa lang
sa country of origin kasi po may limitations po tayo dito pagdating sa Pilipinas kung sakali po magkasabay-sabay sila sa darating na– walang e-arrival card , pagkaproblem po tayo sa internet and baka magka-congestion po tayo pagdating po dito sa Pilipinas,” pahayag ni Dr. Salvador

Ayon pa sa opisyal, mabilis lamang ang pag-apply ng e-arrival card online dahil ito ay pinadali na ng BOQ at walang bayad ang pagkuha nito.

Ang official na e-arrival card website ayon pa kay Dr.Salvador ay www.onehealtpass.com.ph

Tandaan din aniya na walang information system (IS) ang e-arrival card at kapag nai-niredirect sa ibang website at naghihingi na ng bayad ay awtomatik aniyang ito ay peke.

Ayon kay Salvador, inilapit na rin nila ito sa law enforcement agency at cybercrime ngunit matapos ma-take down aniya ang mga fake website ay gumagawa naman sila ng panibago. Jocelyn Tabangcura-Domenden