BOQ sa mga papuntang ‘Pinas: Pag-aralan ang online health pass

BOQ sa mga papuntang ‘Pinas: Pag-aralan ang online health pass

August 30, 2021 @ 5:12 PM 10 months ago


MANILA, Philippines – Hinimok ng Bureau of Quarantine ang mga byaherong papunta ng Pilipinas na pag-aralan kung paano makakakuha ng online health pass.

Ito ay kailangan maging sa mga Pilipino man at dayuhan na papunta ng bansa.

Ang online health pass na tinawag na ‘One Health Pass’ ay ang health pass system ng bansa kung saan kailangang mag-fill up ng health declaration form ang isang byahero.

Inilalagay din dito ang mga personal na impormasyon, flight details at patunay na maayos ang kanilang lagay sa naturang byahe.

Matapos mailagay ng byahero ang kanilang impormasyon ay makatatanggap naman sla ng QR code na i-scan ng immigration officer pagdating ng bansa.

“Nakikiusap po kami sa lahat po ng kababayan natin na uuwi ng Pilipinas, siguraduhin po na mag-fill up po tayo, pumunta tayo sa OneHealthPass para po hindi po kayo mahirapan sa proseso,” paghihikayat ni Bureau of Quarantine Deputy Director Dr. Roberto Salvador Jr.

Sa pamamagitan ng online health pass na ito ay mas magiging mabilis ang kanilang proseso pagdating sa bansa ng nasa 30-minuto hanggang isang oras. RNT/JC