BOQ susunod sa desisyon ng IATF sa 3-day quarantine ng ROFs

BOQ susunod sa desisyon ng IATF sa 3-day quarantine ng ROFs

December 8, 2021 @ 3:53 PM 10 months ago


Manila, Philippines – Susunod ang Bureau of Quarantine (BOQ) sa desisyon ng COVID-19 task force kung sakaling muling ipatupad ang three-day facility-based quarantine para sa returning overseas Filipinos (ROFs).

“Kung ano po ang ibaba ng DOH (Department of Health), ng IATF (Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases), kami po ay sumasang-ayon po dahil po ito ay pinag-aralan po ng mga eksperto natin po,” ani BOQ deputy director Roberto Salvador Jr. sa Laging Handa briefing.

Naunang sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III na titingnan pa ng DOH ang proposal na ibalik ang quarantine period sa ROFs na nagnegatibo sa COVID.

Kamakailan ay nirebisa ng IATF ang testing at quarantine protocols sa mga pasaherong galing sa bansang wala sa red list.  RNT/FGDC