Bora nanganganib madamay sa OrMin oil spill

Bora nanganganib madamay sa OrMin oil spill

March 4, 2023 @ 4:43 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Nakabantay na rin ang Philippine Coast Guard (PCG) personnel sa Boracay Island kasunod ng pagkalat ng oil spill mula Naujan, Oriental Mindoro papuntang Caluya, Antique.

Ayon sa Marine Environmental Protection Force ng Coast Guard District Western Visayas, nananatiling malinis ang dagat at negatibo ang isla sa presensya ng “oily waste” na natagpuan sa ilang barangay sa Caluya.

Samantala, umabot na sa walong drum ng  “oily waste” ang nakolekta ng Philippine Coast Guard (PCG) at LGU sa baybay-dagat ng Sitio Sabang, Barangay Tinogboc, Caluya, Antique ngayong araw, Sabado.

Kasunod ito ng paglubog ng MT Princess Empress sa Naujan, Oriental Mindoro na matatagpuan humigit-kumulang 70 nautical miles mula sa nasabing munisipalidad.

Ayon sa Coast Guard District Western Visayas, pansamantalang itinigil ang pangongolekta ng “oily waste” para maingatan ang kalusugan ng response team. Jocelyn Tabangcura-Domenden