Boracay, Cebu, Palawan pinakapatok na PH holiday destinations – PTAA

Boracay, Cebu, Palawan pinakapatok na PH holiday destinations – PTAA

December 22, 2022 @ 4:10 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Itinanghal ang Boracay, Cebu at Palawan bilang top domestic destinations sa Pilipinas para sa mga balikbayan at kanilang pamikya ngayong holiday season, ayon sa grupo ng travel agencies nitong Huwebes.

Sinabi ni JB Bernal Formilleza, Philippine Travel Agencies Association executive vice-president, na maraming overseas Filipino workers ang pinipiling pumunta sa mga destinasyong ito  matapos ang dalawang taong coronavirus restrictions. 

“Now that the restrictions are lifted, these OFWs and families are planning to go to Boracay and it is being manifested sa record ng mga travel agencies,” aniya.

Idinagdag niya na nagdadag din ang airlines ng mga flight patungong Boracay ngayong linggo at sa susunod na linggo dahil sa pagdagsa ng mga biyahero.

Sinabi niya na pinipili ng mga biyahero ang Boracay dahil mula roon, madali nang puntahan ang iba pang destinasyon gaya ng Iloilo at Aklan.

Samantala, patok rin sa mga Pilipino ang South Korea, Taiwan at Japan ngayong holidays dahil para ma-enjoy ang malamig na panahon, base kay Formilleza. 

Ikinatuwa naman ng tour operators, hotels at tour guides ang madaming bookings, na matatandaang naapektuhan ng lockdowns mula nang magkaroon ng COVID-19 pandemic. 

Tumulong din ang online travel agencies na tumaas ang bilang ng bookings, aniya. RNT/SA