Boracay handang-handa sa pagbubukas sa Oktubre – Año

Boracay handang-handa sa pagbubukas sa Oktubre – Año

September 23, 2020 @ 2:57 PM 1 month ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Tiniyak ni Interior Secretary Eduardo Año sa publiko na nakahanda na ang Boracay Island para sa pagbubukas nito sa susunod na buwan.

Ang mga bibisita aniya sa Boracay ay sasailalim sa RT-PCR test habang may nakahanda na ring quarantine facility para naman sa mga magpopositibo.

“Napag-usapan na namin ‘yung opening ng Boracay. They are actually well-prepared, pati naman ‘yung protocols like for example, kung pupunta ‘yung tourists doon ay magPPCR testing siya, pagkatapos pagdating doon mayroon na siyang assigned na QR code then doon mismo sa Boracay, mayroon tayong COVID isolation facility kung mayroong mag-positive at ito ay dadalhin kaagad sa mainland kapag mayroong ma-detect dito na positive or even suspect…” saad ni Año.

“Masasabi natin come October 1, prepared na ang Boracay sa domestic tourists even from GCQ areas pupuwede kasi may PCR test naman.”

Maaalalang ngayong araw ng Miyerkoles, September 23 ay pormal nang inanunsyo ang pagbubukas ng Boracay sa turista sa susunod na buwan. RNT/FGDC


  •  
  •  
  •  

Loading...