Boracay magbubukas sa October 26 – Secretary Cimatu

Boracay magbubukas sa October 26 – Secretary Cimatu

July 11, 2018 @ 3:11 PM 5 years ago


Manila, Philippines – Opisyal na magbubukas muli sa publiko ang Boracay Island sa October 26,2018.

Ito ang tiniyak ni Environment Secretary Roy Cimatu sa pagharap nito kahapon sa pagdinig ng House Commitee on Natural Resources.

Ipinagmalaki ni Cimatu na hindi na cesspool gaya ng dati ang Boracay at mula nang umpisahan ang rehabilitasyon noong Abril ay malaki na ang pinagbago nito at tiyak na mas marami pag pagbabago ang mangyayari sa mga susunud na buwan hanggang sa pagbubukas nito sa Oktubre.

Ayon kay Cimatu maglalagay sila ng satellite environment officers sa mga tourist spots sa bansa gaya ng Boracay upang masiguro na mababantayan at mapapangalagaan ang kalikasan.

Ang DENR office sa Boracay ay una nang binuwag bago pa maupo si Cimatu sa DENR at kanya na umano itong pinabalik,aniya, mahakaga na may aktibong mga DENR offices sa mga tourist destinations para kung mayroong mga paglabag ang mga establishimento ay agad itong mababantayan at maaksyunan.

Bukod sa Boracay ay maglalagay din ng satellite offices ng DENR sa Bohol, Palawan, Puerto Galera at Siargao.

Gayunpaman duda si LPGMA Partylist Rep. Arnel Ty sa panukala ni Cimatu, aniya, nasa P150M ang gugugulin para maglagay ng DENR extension office bukod pa dito ang gastos sa operations na tiyak na hindi na kakayanin ng budget ng DENR. (Gail Mendoza)