Boracay, nagbabadyang magsara ulit

Boracay, nagbabadyang magsara ulit

July 15, 2021 @ 6:46 AM 1 year ago


MANILA, Philippines – Posibleng isara muli sa mga turista ang Boracay Island sakaling isailalim ng gobyerno ang Aklan sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) para mapababa ang kaso ng COVID-19.

Una rito, inirekomenda ng Inter-Agency Task Force (IATF) na maisailalim sa MECQ ang Aklan mula July 16 hanggang 31.

“We submitted an appeal that Aklan won’t be under MECQ,” sabi ni Malay Mayor Frolibar Bautista.l

“Even if it’s just two weeks, there will be a negative impact to Boracay businesses, workers, and residents…The national government should reconsider,” dagdag niya.

Naitala ng Boracay ang pinakamataas nitong domestic tourist arrivals sa panahon ng pandemya noong Hunyo na nasa 26,354.

Maliban sa alkalde ng Aklan, umapela na rin sa IATF si Aklan Governor Florencio Miraflores. RNT