Boracay posibleng lumubog sa sinkhole – MGB

Boracay posibleng lumubog sa sinkhole – MGB

December 16, 2022 @ 8:18 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Nagbabala ang Mines and Geosciences Bureau-Region VI (MGB-6) sa mga residente na maaaring lumubog ang mga gusali sa Boracay Island dahil sa nakitang mahigit 800 sinkhole dito.

“Kung sobrang bigat ng structure, nag-a-add ng weight, plus the fact na natutunaw ‘yung ilalim. Only time can tell [kung kailan siya guguho],” ayon kay Engr. Mae Magarzo, hepe ng MGB 6.

Aniya, ang sinkholes ay nabubuo kapag natatanggal ang suporta sa ilalim ng lupa dahil sa lindol o pagbaba ng tubig.

Nadiskubre rin na limestone ang nasa ilalim ng Boracay na mapanganib sa mga sinkhole.

“Ang chemical composition ng limestone is calcium carbonate. When it comes in contact with acid, unti-unti siyang matutunaw. Basta may water, lalo na acid rain… That is why we want the carrying capacity of Boracay observed. As you could see in our geo-hazard map, almost all of the island is highly susceptible,” sinabi pa ni Magarzo.

Dahil dito ay iginiit ng Department of Tourism na mahigpit na sundin ang carrying capaciy ng Boracay.

Sa isinagawang Karst Subsidence Hazard Mapping, naitala ang 789 na sinkhole sa Boracay noong 2018, tumaas sa 810 noong 2019, 814 noong 2020 at nadagdagan pa sa 815 nitong 2021 hanggang 2022. RNT/JGC