Boracay resort, lokal na opisyal sinampahan ng reklamo ng NBI

Boracay resort, lokal na opisyal sinampahan ng reklamo ng NBI

July 20, 2018 @ 8:40 PM 5 years ago


 

Manila, Philippines – Naghain ng reklamo ang National Bureau of Investigation (NBI) laban sa anim na operator at developer ng Boracay resort at ilang lokal na opisyal  dahil sa ilang environmental offenses kabilang na ang alegasyon sa pagpasok sa kagubatan.

Limang kaso ang unang isinampa ng Department of Justice (DOJ)  kahapon (July 19) at ngayong Biyernes inakusahan ang naturang may sala sa paglabag sa Revised Forestry Code ng Pilipinas, Anti-Graft and Corrupt Practices Act, Local Government Code of 1991 at isang kaso ng Philippine Fisheries Code of 1998.

Ang kaso ay naihain na ilang buwan bago umpisahan ang rehabilitasyon ng Boracay, sikat na tourist destination na isinarado sa publiko hanggang October dahil sa ilang environmental issue.

Kinasuhan kaugnay sa pagsira ng kagubatan at sapilitang pag-okupa  ang Denichi Boracay Corp., Correos Internacionale, Inc., Seven Seas Boracay Properties, Inc. Boracay Tanawin Properties, Inc., Boracay Island West Cove Management Philippines, at Yooringa Corp.

Ang mga opisyal naman ng bayan ng Malay sa Aklan ay naikabit din sa kaso na sina Mayor Ceciron Cawaling- kasama sa four out of the five complainants, at dating mayor John Yap- na kasangkot sa tatlo.

Kabilang din sa mga pinangalanan ay ang mga engineer at building official ng bayan, ajudge, at iba pa.

Ang reklamo ay ipinasa ng Boracay Inter-Agency Task Force sa pamamagitan ng NBI Environmental Crime Division, naatasang mag-imbestiga sa environmental degradation sa Boracay s autos ni Justice Secretary Menardo Guevarra. (Remate News Team)