Boracay tinanghal na Asia’s top island sa 2022 Condé Nast Traveler Readers’ Choice Awards

Boracay tinanghal na Asia’s top island sa 2022 Condé Nast Traveler Readers’ Choice Awards

October 6, 2022 @ 10:43 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Tinanghal ang Boracay bilang nangungunang isla sa Asya sa 2022 Condé Nast Traveler Readers’ Choice Awards.

Nakakuha ang isla ng rating na 95.13 na nakasaad sa website ng US-based luxury at lifestyle travel magazine.

Nasa ikawalong puwesto ang Palawan sa iskor na 88.99.

Ang Condé Nast Traveler’s Top 10 Islands sa Asia para sa 2022 ay ang mga sumusunod:

  • Boracay, Pilipinas

  • Bali, Indonesia

  • Koh Samui, Thailand

  • Langkawi, Malaysia

  • Phuket, Thailand

  • Phú Quôc, Vietnam

  • Sri Lanka

  • Palawan, Pilipinas

  • Okinawa at Ryukyu Islands, Japan

  • Mga Isla ng Phi Phi, Thailand

Samantala, ang Pilipinas ay pumuwesto sa ika-30 sa top 48 na bansang bibiyahe sa score na 86.66.

Taun-taon para sa Readers’ Choice Awards nito, ang Condé Nast Traveler ay nagsasagawa ng survey kung saan nire-rate ng mga mambabasa ang pinakamagagandang isla, lungsod, bansa, resort at higit pa sa mundo. RNT