Boracay tourists kailangan ng COVID-19 test 72 oras bago bumiyahe

Boracay tourists kailangan ng COVID-19 test 72 oras bago bumiyahe

October 16, 2020 @ 6:05 PM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Dapat sumailalim sa COVID-19 swab test ng hanggang bago mag-72 oras ang biyahe patungong Boracay, batay sa bagong inilabas na guidelines.

“Pinahabaan po iyong period kung kailan pupwedeng magpakuha ng PCR test bago bumiyahe patungo po ng Boracay,” saad ni presidential spokesperson Harry Roque sa Laging Handa briefing.

Naunang inanunsyo na itinakda lamang ito sa 48 oras bago ang itinakdang pagtungo sa Boracay at tanging may mga negatibong resulta lamang ang papayagang makapasok. RNT/FGDC


  •  
  •  
  •  

Loading...