Boracay wetlands nakasentro sa Ph celebration ng World Wetlands Day 2022

Boracay wetlands nakasentro sa Ph celebration ng World Wetlands Day 2022

January 31, 2022 @ 6:10 PM 8 months ago


Manila, Philippines – Kasabay sa paggunita ng World Wetlands Day 2022 ipagdiriwang ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa pamamagitan ng Biodiversity Management Bureau (BMB) ang magagandang nagawa sa rehabilitasyon ng Boracay wetlands kasabay sa paggunita ng World Wetlands Day 2022.

Sa press release ayon kay Environment Secretary Roy A. Cimatu, ang pagdiriwang ngayong taon ay mailigtas ang mga wetlands sa tuluyang pagkasira.

“Wetlands are one of our country’s assets and thus we have made them part of our ongoing rehabilitation of Boracay Island. We believe that showcasing their importance through wetlands recovery and restoration in the island is an effective means of spreading awareness to the public,” saad ni Cimatu.

“By restoring the ‘Wetlands of Boracay,’ we do not only conserve their ecological functions in the island but also add up to the diversification of Boracay’s tourism attraction sites.”

Kaugnay n ito pangungunahan ng DENR ang Pilipinas sa pagdiriwang ng World Wetlands Day na gaganapin sa Boracay Wetland Conservation Park, dating Wetland No. 2, na matatagpuan sa Barangay Balabag, Boracay Island sa Pebrero 2.

Bibigyan ng pagkilala sa pagdiriwang ang partnership sa wetland conservation sa mga private companies tulad ng Aboitiz Equity Ventures Inc., Boracay Tubi System Inc., Energy Development Corp. (EDC), at J.G. Summit Petrochemical Corp.

Samantala kalakip din sa programa ang pagtanggap ng DENR sa pamamahala sa Wetland No. 2, na isang kumpletong wetland project mula sa EDC bilang adopter ng DENR sa ilalim ng “Adopt-a-Wetland Program,” matapos ang mahigit tatlong taon nitong rehabilitasyon.

Sa pamamagitan ng temang “Wetlands Action for People and Nature,” ipakikita ngayong taon sa World Wetlands Day ang kahalagahan ng sama-samang pagkilos sa pangangalaga at pagsisiguro na mapananatili ang paggamit ng mga tao sa wetlands, kapaligiran at lahat ng nabubuhay na nilalang na umaasa dito.

Gayundin ay sinabi ni DENR-BMB OIC Director Natividad Bernardino, ang tema ngayong taon ay nagsisilbing “clarion call for Filipinos to act for the welfare of the country’s wetlands.”

Ang World Wetlands Day ay ipinagdiriwang kada taon tuwing Pebrero 2 na layuning maiangat ang kaalaman sa malaking ginagampanan ng wetlands sa mga tao at sa planeta.

Kasabay ding ipinagdiriwang sa petsang ito ang anibersaryo ng Convention on Wetlands na kinupkop bilang international treaty noong 1971.  (Santi Celario)