Border control, contact tracing, emergency hotlines vs monkeypox pinabubuhay ni Binay

Border control, contact tracing, emergency hotlines vs monkeypox pinabubuhay ni Binay

August 2, 2022 @ 1:00 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Mahalagang buhayin muli ng pamahalaan ang border control mechanism, contact tracing at emergency hotlines laban sa pagkakalat ng monkeypox tulad ng COVID-19 noong 2020, ayon kay Senador Nancy Binay.

Bukod dito, hiniling din ni Binay sa Department of Health (DOH) na palakasin ang kapabilidad ng paghahanda at pagtugon ng ahensiya upang mas maiwasan ang undetected transmission ng monkeypox virus.

“For the past years, we’ve seen the glaring gaps in our Covid pandemic response. This time, we hope the DOH and the DILG are better prepared to handle monkeypox for us to contain future outbreak possibilities,ā€ ayon kay Binay.

Hinikayat din ni Binay ang Department of Interior and Local Government (DILG) na buhayin kaagad ang emergency hotlines, at muling silipin ang local-level coordination sa LGUs hinggil sa surveillance at border control upang matiyak na kaagad matutukoy ang pagkakalat at paghahawa ng virus.

“Naririyan na yung framework na ginamit natin during the height of the Covid pandemic. We can fuse the 3T strategy (tracing, testing, treatment) on Covid with DOH’s current 4-door strategy (prevention, detection, isolation, treatment) versus monkeypox,” ayon kya Binay.

Aniya, kailangan maglunsad ang DOH at DILG ng malawakang education campaign at magtakda ng pamamaraan sa surveillance at border control sa gitna ng back-to-back threat ng Covid-19 at monkeypox virus.

“Given our low Covid-19 vaccination rate in highly-vulnerable provinces, plus the slow uptake for booster shots, the monkeypox threat adds up to our Covid pandemic response. Dahil na rin sa pandemic fatigue, medyo nag-relax na tayo sa border control. Sadly, napakakulang at mahina pa rin ang ating contact tracing capability at both local and national levels. I just hope the DOH and DILG can kickstart or scale up contract tracing now that monkeypox and Covid are likely to put a strain on our already overstretched pandemic response program,” paliwanag ni Binay.

Sinabi pa ni Binay dapat palakasin ng DOH ang information campaign kung paano maiiwasan ang pagkahawa o pagkakalat ng virus alinsunod sa rekomendasyon na ipinalabas ng World Health Organization,Ā  na may pagtutuon sa aplikasyon ng mga preventive measures dahil isa nang public health emergency ang monkeypox.

“There are no home-test kits for monkeypox, but RITM is now equipped to detect the virus. And again, sana ma-optimize natin ang response capabilities ng hospitals and our health workers by assigning more special units to handle monkeypox cases, and strengthening the clinical management, coordination, treatment, vaccination capacity at iba pang kailangan necessary to prevent the virus from spreading. Guidance should also be given to LGUs since contact tracing is an essential public health tool that can help contain the virus,” ayon kay Binay.

Inihayag ng WHO na pawang rare disease ang monekypox na sanhi ng orthopox virus pero hindi masyadong banta ngunit mabilis na kumalat sa buong mundo dulot ng bagong transmission routes. Ernie Reyes