Border control ‘di pa kailangan kahit may monkeypox na – DOH

Border control ‘di pa kailangan kahit may monkeypox na – DOH

August 2, 2022 @ 2:31 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Wala pang pangangailangan na magpatupad ng border control sa Pilipinas sa kabila ng pagkakatala ng isang kaso ng monkeypox sa bansa noong Hulyo 28.

Sa press briefing, sinabi ni Health officer-in-charge Maria Rosario Vergeire na maging ang World Health Organization (WHO) ay idineklara na ang banta ng virus ay “slow to moderate risk” kung kaya’t hindi kailangan ng mahigpit na border control.

Wala rin aniyang rekomendasyon mula sa mga eksperto hinggil dito.

“Gusto lang natin ipaalala sa ating mga kababayan, lets just emphasize –COVID-19 is differrent from monkey virus,” ayon kay Vergeire.

Paliwanag ni Vergeire, ang COVID-19 ay madaling makapanghawa  dahil maaaring maipasa ang droplets sa distansya na meron ang isang tao, kumpara sa monkeypox virus na talagang naiipasa ng ‘close contac’ kaya nakukuha ang virus.

“So closing our borders when in fact we can only really confimed this virus kapag ka nakapagpatest na, is somehow irrattional at this point,” dagdag pa ni Vergeire.

Aniya, kailangan lamang gawin ay paigtingin ang suvellaince efforts at dapat alam ng lahat ang sintomas, dapat lahat mapagmatyag,aware na kapag nagkaroon ng sintomas ay agad mag-isoate upang mapigilan ang pagkalat ng virus. Jocelyn Tabangcura-Domenden