Border deal sa Tsina pwedeng subukan ng Pinas sa WPS row – PBBM

Border deal sa Tsina pwedeng subukan ng Pinas sa WPS row – PBBM

September 6, 2022 @ 3:36 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- Maaaring i-explore ng Pilipinas ang estratehiya na ginamit sa paglagda sa  2014 sea border agreement sa Indonesia para maplantsa ang  long-standing maritime dispute sa China sa the West Philippine Sea (WPS).

Ang kasunduan na unang tinintahan noong 2014 makaraan ang dalawang dekadang negosasyon, nagtakda ng exclusive economic zone (EEZ) borders sa pagitan ng Pilipinas at Indonesia sa Mindanao at Celebes seas.

“Well, I think it is worthwhile to explore at the very least because it is one instance that this kind of discussion, we came to a conclusion and we came to a resolution. So, we should try it,” ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.  sa  isang press briefing sa  Fairmont Hotel, Jakarta.

Araw ng Linggo, nakipagkita  si Pangulong Marcos  sa Filipino community sa  Jakarta para sa  kick off ng kanyang  inaugural state visit sa Indonesia.

Nagdaos naman ng bilateral meeting ang Pangulo kasama ang kanyang delegasyon sa mga  Indonesian officials bukod pa sa idinaos na  roundtable discussion  sa mga Indonesian business leaders at investors, araw naman ng Lunes.

Umaasa si Pangulong Marcos na ang kahalintulad na estratehiya ay gagana subalit maaari ring gamitin ang iba pang plano kapag nabigo ito.

“Now, hopefully, it works. If it doesn’t work, I will try something else, but at least we have a beginning point. That’s how I see it,” dagdag na pahayag ng Chief Executive,

Aniya, ang kanyang interest sa delimitation talks sa pagitan ng Pilipinas at Indonesia ang nagtulak sa kanya para isipin na maaari itong i-apply sa pag-aayos sa “territorial disputes” sa ibang bansa.

“So sinasabi ko ‘yan ang parang template, para doon sa delimitation talks sa continental shelf that we are undergoing now. But also, not only for the issues between Indonesia and the Philippines, pero sabi ko, pwede kong gamitin ‘yan. Pwede natin gamitin ‘yan, pag iba, kahit na iba ‘yung kausap sa delimitation talks na ganyan ,” dagdag na pahayag nito.

“The 2014 sea border agreement was ratified by former President Rodrigo Duterte in February 2017 and by the Indonesian Parliament in April 2017, with Manila completing the two-step domestic procedure when the Philippine Senate concurred with the executive ratification in June 2019,” ayon sa ulat.

“The Philippines and Indonesia are both parties to the 1982 United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) and are entitled to EEZs of 200 nautical miles. Under the said convention, states have sovereign rights to explore and exploit, and conserve and manage natural resources, within their EEZ,” ayon pa rin sa ulat. Kris Jose