Borrowing rates ng BSP itinaas sa 4.25%

Borrowing rates ng BSP itinaas sa 4.25%

September 22, 2022 @ 5:56 PM 3 days ago


MANILA, Philippines – Tinaasan ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) nitong Huwebes ang pangunahing interes nito sa 4.25% sa gitna ng humihinang piso at tumataas na presyo ng mga bilihin.

Ang desisyon ng Monetary Board na taasan ang policy rate ng 50 basis points o kalahating percentage point ay sinundan ang nauna rin nitong ipinatupad na 50-bp upward adjustment noong Agosto.

Ang mga bangko at kumpanya na nagpapautang ay bumbase sa mga rate ng central bank bilang kanilang benchmark sa  pautang, credit card, at deposito.

Kapag mas mataas ang rate, nangangahulugan ito na mas mahal ang mangutang dahilan para mapilitan ang mga negosyo at mamimili na gumastos nang mas kaonti para makatipid.

Ang pagtataas ng rate ay karawinang ginagawa ng central bank para mapigilan ang mabilis na inflation o pagtaas ng presyo sa mga bilihin at singil sa serbisyo.

Samantala, ang piso ay bumagsak nanaman isang bagong all-time low laban sa dolyar noong Setyembre 21 na nagsara sa ₱58.

Sinasabi ng mga ekonomista na ang piso ay patuloy na nalulugi laban sa dolyar habang ito ay nagpapanatili ng lakas sa mga agresibong aksyon ng US Federal Reserve laban sa inflation.

Matatandaang noong nakaraang buwan ay bahagyang bumaba ang inflation ng Pilipinas sa 4.3%, na mas mataas pa rin sa 2-4% target band ng BSP para sa 2022. RNT