Bosing Vic, pupuslit sa kabilang istasyon

Bosing Vic, pupuslit sa kabilang istasyon

July 30, 2018 @ 7:43 AM 5 years ago


 

Manila, Philippines –Inamin ni Bossing Vic na posible siyang tumawid sa kabilang istasyo para mag-guest sa pinagbibidahang primetime hit series na “Ang Probinsyano” na pinagbibidahan ng aktor na si Coco Martin.

Kamakailan lang ay inanunsiyo nina ‘Bossing’ Vic Sotto at si Coco Martin ang kanilang pagsasanib puwersa sa pelikulang “Jak Em Popoy, The Pulis Credibles” para sa 2018 Metro Manila Film Festival (MMFF).

Sa isang panayam nitong Sabado, inamin ni Bossing Vic na maaaring tumawid  si Coco sa noon time show na “Eat Bulaga” para i-promote ang kanilang pelikula.

Kung posibleng gawin ito ni Coco, willing naman kaya na mag-guest si Bossing sa primetime hit series na “Ang Probinsyano” ni Coco?

Magiliw naman na pinahayag ni Bosing na possibleng mangyari ang kaniyang pagtawid sa kabilang istasyon dahil wala naman siyang nakikitang problema rito.

“Aba bakit hindi? (sabay tawa). Wala naman problema sa ‘kin. Kaibigan ko lahat ng istasyon, lahat ng networks, I can work with any,” sabi pa ni Vic.

Bukod kay Coco at Vic, kasama din sa 2018 MMFF entry si Maine Mendoza, at ilan pang mga Kapamilya star. Remate News Team