“Boss FLM” na nakilala sa “mayaman challenge” dinamba ng NBI

“Boss FLM” na nakilala sa “mayaman challenge” dinamba ng NBI

May 19, 2020 @ 4:06 PM 4 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Binitbit ng mga ahente ng National Bureau of Investigation-Cybercrime Division ang isang negosyante na internet personality din na nakilala dahil sa kanyang pagtulong sa mga nangangailangan sa gitna ng coronavirus disease (COVID-19) pandemic.

Ayon kay NBI Cybercrime Division Chief Atty. Victor Lorenzo, inaresto si Francisco Leo Marcos alyas FLM o Norman Mangusin sa tunay na buhay,  kaninang umaga sa Quezon City sa bisa ng arrest warrant dahil sa umanoy paglabag sa Republic Act 8050, o ang revised Optometry Law of 1985.

 

 

Nag-ugat umano ang reklamo kay FLM mula sa Optometrist Association of the Philippines sa Baguio City.

Ayon kay Atty. Lorenzo, hindi lamang ito ang kinakaharap na reklamo ni Mangusin dahil mayroon pa itong ibang mga nakabinbin na reklamo.

Sa kanyang mga viral videos sa ibat-ibang social media platforms, mayroon itong tinatawag na “Mayaman Challenge” na naghahamon sa ibang mayayaman na maglabas ng kanilang sariling pera o tapatan ang kaniyang mga binibigay na ayuda para makatulong sa mga mas nangangailangan.

Napag-alaman na may ilang personalidad din ang kaniyang binabatikos sa kanyang mga videos dahil sa umanoy  hindi totoong pagkonek sa kanya bilang kamag-anak ng dating Senador Ferdinad Marcos. Jocelyn Tabangcura-Domenden


  •  
  •  
  •  

Loading...