Boss ng mahinang team, nagmamakaawa sa players

Boss ng mahinang team, nagmamakaawa sa players

January 24, 2022 @ 1:28 PM 8 months ago


MANILA, Philippines – Naging matigas na ang mga player sa kani-kanilang mother team mula ng ipatupad ng PBA sa players ang unrestricted free agent rules.

Kahit operan pa ito ng panibagong kontrata ng team ay tinatanggihan nila dahil  nagkaroon ng malakas na karapatan ang mga players bilang unrestricted free agent na mamili kung saan nitong  gustong maglaro

Ayon sa insider, nagmamakaawa umano ang boss ng isang mahinang team sa ilang players na huwag umalis sa kanilang koponan habang inooperan ng contract extension ang star players.

Unang-una hindi naman kasi taas ng suweldo ang inooper ng team na ito sa mga player kumpara sa ibang malalakas na team.

Kung hindi  babaguhin ng PBA ang rules na ganito, ang mga kumpanyang malaki lamang o may kakayahan na magbigay ng malaking offer ang makakukuha ng mahuhusay na manlalaro na nasa unrestricted free agent.

Kawawa ang mga teams kapag tinatanggihan ang offer nila sa  kanilang mga player dahil wala silang magagawa.HULA WHOOPS? Dwayne Rituel