Bossing at Pauleen, handa na sa kasal ni Maine!

Bossing at Pauleen, handa na sa kasal ni Maine!

September 1, 2022 @ 7:45 PM 3 weeks ago


Manila, Philippines – Mismong si Pauleen Luna ang nagsabi na willing sila ng asawang si Vic Sotto na tumayong principal sponsors sa magkahiwalay na kasal nina Maine Mendoza at Maja Salvador.

Nakapanayam kasi ng DZRH si Pauleen ukol dito.

Sina Maine at Maja na kapwa Dabarkads sa Eat Bulaga are engaged to their respective boyfriends.

Si Maine kay Arjo Atayde samantalang si Maja kay Rambo Nunez.

In Maine’s case, dahil kelan lang naman naisapubliko ang engagement ay baka nasa planning stage pa ang wedding preparations.

Sa kaso naman ni Maja, kahit daw matagal ang pinagsamahan nila back in ABS-CBN ay baka nahihiya itong magsabi since bagu-bago pa lang siya sa Eat Bulaga.

Pagdidiin ni Pauleen, ayaw naman daw nila ni Bossing Vic na iprisinta ang sarili although very much willing silang magninong at magninang sa dalawang pares.

Ayaw daw ni Pauleen na maramdaman nina Maine at Maja na obligado nilang bigyan sila ng partisipasyon para mapabilang sa magkahiwalay na wedding entourage.

Samantala, inamin ni Pauleen na sobra na nilang namimiss si Alden Richards bilang Dabarkads.

Masyado raw kasi itong abala.

Pero umaasa si Pauleen na bigla na lang bubulaga si Alden para i-promote ang Start-up kasama si Bea Alonzo.

Hindi nga naman nila madalas makasama si Alden sa Eat Bulaga, pero once a Dabarkads, always a Dabarkads. Ronnie Carrasco III