Bossing, nagsalita na sa isyu sa kanila ni Julia!

Bossing, nagsalita na sa isyu sa kanila ni Julia!

July 14, 2021 @ 11:00 AM 1 year ago


Manila, Philippines – Walang gaanong media outlet ang pumatol o nag-dignify sa isyung kinasasangkutan ni Vic Sotto pero patuloy pa rin itong pinag-uusapan.

Maliban sa bina-bash ang kanilang anak ni Pauleen Luna na si Talitha ay bihira na malagay mismo sa gitna ng kontrobersya si Bossing.

What’s currently going around ay ang tsikang nag-uugnay sa kanya kay Julia Clarete, dating co-host sa Eat Bulaga.

The buzz is that nabuntis daw ni Bossing si Julia na balak pa umanong magdemanda.

Without naming names, hindi pinalampas ni Vic ang obyus namang fake news nang maglitanya sa Eat Bulaga nitong Sabado. He was looking straight to the camera, nagbibiro man ay halatang galit.

Ani Bossing sa tonong seryoso, “Eto makinig kayo, hehe…Eto ang hugot ko for the day, sa mga nagsa-cyberbully o gumagawa ng fake news o naninira ng tao sa social media o sa ibang paraan, lagi n’yong tatandaan na may nasasaktan kayo at ‘yan ay pagbabayaran n’yo. Huwag n’yong isipin na dahil pinalalagpas lang ng iba ay mahina o naduduwag. Darating ang araw na may paglalagyan kayo!”

May subtle na mura ang huling pangungusap na patama sa mga nagkakalat ng fake news, “Eto ang huli…N’yo!”

Hindi malinaw kung ang ibig sabihin ni Bossing na “may paglalagyan kayo!” ay may legal action siyang isinasagawa to address the issue. Ronnie Carrasco III