Botanical Garden rehab babawiin sa taas-entrance fee

Botanical Garden rehab babawiin sa taas-entrance fee

October 18, 2022 @ 8:44 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Magpapatupad ang pamahalaang panglungsod ng Baguio ng dagdag sa entrance fee sa mga bumibisita sa Botanical Garden.

Ito ay para mabawi ang ginastos ng lungsod sa rehabilitasyon at pagpapanatili ng naturang parke.

Ayon kay Jordan Habbiling, information officer sa konseho ng lungsod, kapag naipatupad na ang bagong ordinansa, magiging:

  • P150 ang entrance fee para sa lahat ng turista;

  • P50 para sa mga residente ng Baguio na may edad 13 pataas;

  • at P30 para sa mga kabataan sa Baguio na edad 12 pababa.

  • Samantalang may 20% diskwento ang mga senior citizen at mga estudyante na may kaukulang identification card. Sa kasalukuyan, P5 lang entrance para sa mga bata, habang P10 para sa matatanda.

Naaprubahan na rin umano ng konseho ng lungsod sa unang pagbasa ang naturang panukala. Inaasahang makalilikom sa 2023 ang lungsod ng P70.2 milyon bunga ng dagdag-singil sa entrance fee kumpara sa magagastos na P69.06 milyon ng lungsod sa mga panukalang proyekto para sa pagpapaganda ng naturang parke. RNT