BOTANTE NI BBM SOLIDO PA RIN, RATING SA SURVEY PUMAPALO

BOTANTE NI BBM SOLIDO PA RIN, RATING SA SURVEY PUMAPALO

July 21, 2021 @ 11:32 PM 7 days ago

  •  
  •  
  •  

ALAM ba ninyo, guys, na kabilang po si dating Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa mga paborito ng sambayang Filipino na maging Pangulo ng bansa mula 2022 hanggang 2028?

Ito’y dahil si Marcos o BBM ay nananatiling isa sa mga ‘top presidential bets’ sa huling survey ng  Pulse Asia.

Yes dahil sa naturang survey na isinagawa mula June 7 hanggang June 16, nanguna man si Davao City Mayor Sara Duterte–Carpio sa 32% points at pumanga­lawa si Mayor Isko Moreno sa 29%, pumangatlo naman si Marcos sa 18 points at pumang-4 lang si Sen. Manny Pacquiao sa 13 points.

Kung tutuusin, mga tsong, ang kanilang mga pangalan ay nananatili sa mga leading presidential bets mula nang ilunsad ang survey no­ong December 2020 at habang dumaraaan ang panahon, araw-araw ay lalong umiinit o nagiging ‘hot items’ ang kanilang mga pangalan kabilang na rito si BBM o Marcos.

Well sa ngayon, laging laman ng media ang mga pangalan nina Duterte-Carpio, Moreno at Pac­quiao dahil nga sa may kani-kanila silang opinyon at mga posisyon sa iba’t ibang isyu. Bukod pa rito ang tatlong nabanggit na personalidad ay pawang mga kasalukuyang opis­yal ng pamahalaan.

E, kung ikukumpara si Marcos, nababanggit lamang sa media dahil sa kanyang election protest sa kinukuwestiyong iregularidad na naganap noong 2016 Vice Presidential election laban kay VP Leni Robredo.

Kung tutuusin, sa tatlong ‘yan ay tanging si Marcos ang walang posisyon sa pamahalaan pero na­nanatili siyang nasa ikalawa o ikatlong puwesto sa lahat ng presidential surveys na nagsimula noong December, 2020.

O ano, may masasabi pa ba kayo???

Kung ating pag-aaralan ay kapansin-pansin ang score ni Marcos sa pinakahuling survey na lumapit ng puntos kay Moreno na laging nababasa sa mga tabloid at nakikita sa social media. Si Marcos ay nakapagtala ng mataas na puntos sa National Ca-pital Region (NCR) at nagtamo siya ng malaking puntos mula sa tinatawag na Balance of Luzon.

Para sa political operators, kailangan na kumilos si Marcos upang matanggal si Moreno sa Top Two position sa survey at halos maka­patas pa kay Duterte–Carpio.

Dapat magtalaga ito ng political operators o sariling “media group” gaya nang ginagawa ng ibang presidential candidates na nagsimula na ilang buwan ang nakaraan o ilang taon na ang lumipas.

Bira na, BBM!


  •  
  •  
  •