Botika ng Bayan, binuksan sa publiko

Botika ng Bayan, binuksan sa publiko

August 8, 2022 @ 2:48 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Ligtas at libreng mga gamot para sa mga mahihirap na pasyente ang abot kamay na ngayon makaraang binuksan sa publiko ng Department of Health (DOH) ang Botika ng Bayan (BNB) sa iba’t ibang lugar sa CALABARZON (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, and Quezon).

Ayon kay Regional Director Ariel Valencia, malaking tulong sa mga residente sa malalayong lugar ang pagbubukas ng BNB sa mga walang kakayahan na bumili para sa pangangailangang medikal at maintenance drugs

“This Botika ng Bayan will significantly help our residents here, particularly patients who lack the financial resources to buy necessary medications or maintenance drugs. We will continue to strengthen our cooperation with the pharmaceutical companies for them to put up their medicines here for the benefit of the community,” ayon kay Director Valencia.

Pinasalamatan naman ni Valencia ang suporta ng government at private sectors sa pagpapatayo ng mga community pharmacies, particularly sa mga liblib na lugar sa rehiyon.

Kabilang sa mga gamot na maaring makuha mula sa BNB ay mga Vitamins, micronutrients, antacids, paracetamol, antibiotics, topical ointments, anti-thrombotic, anti-inflammatory, antihyperlipidemic, anthelmintic, at hypoglycemic.

Lahat ng mga gamot sa BNB ay libre subalit kinakailangan lamang na magdala ng reseta na galing sa isang doktor.

Kabilang sa mga lugar na bukas ang BNB ay sa Tingloy sa Batangas; Sta. Maria sa Laguna; Mauban at Quezon sa Quezon; Magallanes at Trece Martires City sa Cavite. Jocelyn Tabangcura-Domenden