Botika nilooban ng 2 kawatan

Botika nilooban ng 2 kawatan

December 3, 2022 @ 8:59 AM 2 months ago


ARGAO, Cebu – Tugis ngayon ng mga awtoridad ang dalawang kawatan matapos makuhanan ang mukha sa CCTV ng isa sa mga ito matapos nakawan ang isang botika kahapon ng madaling-araw, Disyembre 2 sa lungsod na ito.

Batay sa report ng Argao Police Station, dakong 2:30 AM ng nakawan ng mga suspek ang botika sa pamamagitan ng pagbutas ng pader.

Ayon kay Police Corporal Ariel Conde, imbestigador ng Argao Police Station, nakuhanan ang mukha ng isa sa mga suspek ng tangkain nitong takpan ang security camera o CCTV ng botika.

Nakuha ng mga suspek ang halagang P90,000.00 sa loob ng botika saka mabilis na nagsitakas.

Naniniwala naman ang Argao-PNP, na iisa lamang ang mga suspek sa nakaraan nakawan sa isang sangay rin ng kaparehong otika noong Nobyembre 30, 2022 sa Liloan City.

Pareho rin ang kanilang estilo sa pagpasok ang butasin ang pader ng botika at sa pareho din na oras bandang 2:30 AM.

Sinira rin ng mga ito ang vault at tinangay ang halagang P115,000.00.

Sa ngayon nakikipag-koordinasyon na ang Argao-PNP sa Liloan-PNP para sa pagtugis sa mga suspek.

Nanawagan naman sa publiko ang mga awtoridad sa sinoman nakakila sa mukha ng suspek na nakuhanan ng CCTV ay agad ipagbigay-alam sa kanila o mayroon pang iba nanakawan ng mga ito. Mary Anne Sapico