BOTO SA KABAG AY BOTO SA CPP-NPA-NDF

BOTO SA KABAG AY BOTO SA CPP-NPA-NDF

April 6, 2022 @ 9:44 PM 3 months ago


NAGBABALA ang mga dating miyembro ng Communist Party of the Philippines, New People’s Army, National De-mocratic Front (CPP-NPA-NDF) na ang pagboto sa mga Partylist ng Makabayan Bloc na ngayon ay tawagin na na-ting KABAG – Kabataan, Karapatan, Anak Bayan, Bayan Muna, Act-Teachers at Gab-riela, ay pag-boto rin sa mga komunistang-teroristang CPP-NPA-NDF.

Ito ang inilahad ng mga dating rebelde sa lingguhang ‘virtual’ na balitaan ng Natio-nal Task Force to End Local Communists Armed Conflict (NTF-ELCAC) na ginanap sa National Press Club nitong Lunes, kung saan 13 dating mga rebelde ng CPP-NPA-NDF ang nagsabing ang mga kinatawan ng mga Partylist na kabilang sa KABAG ay likha lahat ng Central Committee ng CPP-NPA-NDF sa pangunguna ni Jose Maria”Joma” Sison.

Ang kanilang “common ground” o pagkakapareho ayon kay Jeffrey Celiz, alias Ka Eric, ay na-recruit lahat sila sa CPP-NPA-NDF ng mga ‘legal fronts’ nito, kabilang na ang mga partylist ng KABAG.

Noong una raw ay paakti-aktibista lang sila at kalaunan ay naging NPA fighters na. At kanilang nasaksihan kung paano nabuo ang mga party-list ng CPP-NPA-NDF, na ginawa nila upang makapasok sa pamahalaan, una sa Kongreso upang magbigay-raan sa pag-agaw at pagpapataob ng gobyerno at isailalim ito sa komunismo.

Unang nabuo raw ang Bayan Muna Partylist na na-ging daan para mapatalsik ang administrasyong Joseph Estrada kung saan nakakahalubilo nila ang mga naging kinatawan nito gaya nila Teddy Casiño, Satur Ocampo at Neri Colmenares.

Ang iba sa dating mga rebelde naman ay na-recruit ng Kabataan Partylist bago na-ging recruiter din ng mga kabataan para maging miyembro ng Gabriela, Act-Teacher at Ba-yan Muna at sa huli ay gawing mga NPA fighter. Dito raw nila nakilala at nakadaupang palad sina Sarah Jane Elago at Neri Colme-nares.

Para naman Kay Alma Gabin alias Ka Janel, dating pangatlong pinakamataas na opisyal sa Eastern Visayas, alam niya kung paano pinipili ang magiging nominee ng mga Partylist ng CPP-NPA-NDF at kung paano nakikipag-alyansa sa mga kandidato ang mga komunistang-terorista.

Isiniwalat ni Ka Janel na may national electoral committee at regional electoral committee na tumatalakay kung sino ang dapat maging nominee. Mayroon ding National United Front Committee na siyang tumutulay sa mga kandidato para makipag-kasunduan kapalit ang ilang mga bagay-bagay.

Ganundin ang ibinahagi ni Lady Desiree Miranda, alias Ka-Shane, na na-recruit sa Anakbayan sa murang edad lamang na 14. Ikinuwento niya kung pa-ano nagpalitan bilang mga nominee sina Kabataan Partylist Representative Raymond Palatino at Terry Ridon.

Sabi pa ni Ka Shane, no-ong 2012, ang Kabataan (Partylist) ay nakapagpatayo ng building na tinawag na Central Luzon Youth Development Center ngunit ginamit lamang ito sa pagre-recruit ng mga kabataan para maging NPA.

“Tama na ang inyong pagpapanggap na wala kayong koneksyon (sa CPP-NPA-NDF). ‘Di kami magsasakri-pisyo ng ganito, kargo ng  aming mga konsensiya (ang patuloy na pagkamatay ng mga kabataan) kapag may nauulilang mga magulang,” ang patama ni Ka Shane sa mga kinatawan ng KABAG.

Lahat silang mga dating rebelde ay nanawagan sa publiko at mga botante na maging maingay sa pagpili ng ibobotong Partylist, upang di na makapanloko ang mga partylist ng KABAG.

Assalamu Alaikum Warahmatullahi Wabarakatuh!