Boto sa nuisance candidate, idinagdag; Jalosjos Jr. idineklarang Zambo Norte representative

Boto sa nuisance candidate, idinagdag; Jalosjos Jr. idineklarang Zambo Norte representative

June 24, 2022 @ 7:56 AM 2 days ago


MANILA, Philippines – Iprinoklama ng Commission on Elections nito lamang Huwebes si reelectionist Romeo Jalosjos Jr. bilang panalong kandidato sa pagka-kongreso para sa unang distrito ng Zamboanga del Norte.

Batay sa mga resulta ng Certificate of Canvass ng Zamboanga del Norte 1st district, si Jalosjos ay orihinal na nakakuha ng 69,109 na boto mula sa Dapitan City, at ang mga munisipalidad ng La Libertad, Mutia, Piñan, Polanco, Rizal, Sergio Osmeña Sr. at Sibutad.

Pumangalawa lamang siya kay Roberto “Pinpin” Uy Jr. na may 69,591 boto.

Gayunpaman, nagpasya ang Comelec na i-“legally pass”kay Jalosjos ang 5,424 na boto na nakuha ni Frederico Jalosjos, na idineklarang nuisance candidate. Sa pinagsamang boto, nakakuha si Jalosjos ng kabuuang 74,533 o nanalo kay Uy ng 4,942 na boto.

Sa mensahe sa GMA News Online, sinabi ni Atty. Paliwanag ni Romulo Macalintal, election lawyer ni Jalosjos, si Frederico ay idineklara ng Comelec bilang nuisance candidate dahil sa paggamit ng alyas na kapareho ni Romeo.

Sa website ng Comelec, pinangalanang “Kuya Jan Jalosjos” si Frederico. Si Romeo naman ay gumagamit ng alyas na “Kuya Jon.”

“Si Frederico napatunayan na walang tunay na intention na tumakbo kundi upang sirain lamang ang mga boto ni Romeo dahilan sa parehong apelyido at palayaw na Jun at ito ay batay sa mga desisyon ng Korte Suprema na kapag ang kapangalan ay nuisance candidate, ang mga boto niya ay bibilangin para sa legitimate o tunay na kandidato,” ani Macalintal.

Sa isang Facebook post, ipinahayag ni Romeo ang kanyang pasasalamat sa mga sumuporta sa kanya noong 2022 elections, sinabing ibinahagi ng tunay na “Kuya Jon” ang kanyang tagumpay sa mga mamamayan ng distrito.

Si Jalosjos Jr. ay anak ni dating Zamboanga del Norte Representative Romeo Jalosjos Sr. na nahatulan ng panggagahasa sa isang 11-anyos na babae noong 1996. RNT