Botohan sa Basilan sinalubong ng pamamaril at bombahan – Comelec

Botohan sa Basilan sinalubong ng pamamaril at bombahan – Comelec

May 9, 2022 @ 10:22 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Sinalubong ng pagbobomba at pamamaril ang pagsisimula ng 2022 national at local elections sa lalawigan ng Basilan angayong Lunes, Mayo 9, iniulat ng Commission on Elections (Comelec).

Sinabi ni Comelec Commissioner George Garcia na nagsimulang bumoto ang mga rehistradong botante sa lahat ng 499 clustered precincts sa 11 munisipalidad at dalawang lungsod sa Basilan alas-6 ng umaga.

Gayunpaman, sinabi ni Garcia na binabantayan ng mga security officer ang mga insidente ng strafing sa hindi bababa sa dalawang barangay sa bayan ng Sumisip.

Isang malakas na pagpapaputok din ang naiulat sa isla barangay ng Bulo-bulo sa bayan ng Tabuan Lasa.

Sa kabilang banda, inilarawan ito ni Garcia bilang “very minimal incidents.”

 

“Lahat ng ito ay hindi naging hadlang sa Comelec sa paghahatid ng mga election paraphernalia sa mga itinalagang voting centers,” ani Garcia.

Sa kabutihang palad, walang naiulat na nasawi sa nasabing mga insidente, ani Garcia.

 

Iniimbestigahan na ng mga awtoridad ang mga grupo sa likod ng mga pag-atake. RNT