Botohan sa con-con delegates ihiwalay sa BSKE – Leyte gov

Botohan sa con-con delegates ihiwalay sa BSKE – Leyte gov

March 16, 2023 @ 4:28 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Sinabi ni Leyte Governor Carlos Jericho Petilla nitong Huwebes, Marso 16, na dapat ihiwalay sa Barangay and Sangguniang Kabataan (SK) election ngayong taon ang botohan o pagpili ng mga delegado para sa constitutional convention (con-con).

Ani Petilla, magkaiba ang dalawang botohan at hindi dapat pagsamahin.

ā€œI think constitutional change is more important than the barangay elections, but its significance will be set aside if it’s done together,ā€ tugon ni Petilla sa kamakailan lamang ay inaprubahang resolusyon ng Kamara na magdaos ng con-con upang amyendahan ang 1987 Constitution.

ā€œConstitutional change is important since it will change our lives. We have to do this within the year or next year to prepare for what’s coming for us,ā€ giit ni Petilla dahilan para hindi ito isabay sa barangay at SK election na idaraos sa Oktubre.

Mayroon kasing mga panukala na isabay ang botohan sa mga delegado kasabay ng BSKE upang makatipid para sa selection process.

Nauna nang sinabi ng National Economic Development Authority na tinatayang nasa P28 bilyon ang magagastos kung ihihiwalay ang eleksyon para sa pagpili ng con-con delegates.

Nitong Marso 14, inaprubahan sa ikatlo at huling pagbasa ng Kamara ang Resolution of Both Houses No. 6, na nananawagan para sa hybrid con-con upang amyendahan ang ilang economic provisions ng Konstitusyon.

Sa planong con-con, magkakaroon ng mga ihahalal na delegado, tig-iisa mula sa bawat legislative district na pagbobotohan sa Oktubre 30, 2023.

Ani Petilla, magandang maghalal ng mga delegado mula sa pribadong sektor dahil tutuon sa economic reforms ang mga gagawing pag-amyenda.

ā€œWe need someone who understands the economy. The fewer politicians, the better,ā€ dagdag pa ng gobernador.

Magkakaroon ang con-con ng sectoral representatives na bubuo sa 20% ng kabuuang bilang ng mga delegado, na itatalaga ng Senate President at House Speaker. RNT/JGC