Botohan sa Pakistan, pinasabog… 28 patay

Botohan sa Pakistan, pinasabog… 28 patay

July 25, 2018 @ 4:50 PM 5 years ago


Pakistan – Nasa 28 na ang patay habang 35 ang sugatan sa nangyaring suicide bombing sa botohan sa Quetta City.

Ayon sa lokal na opisyal ng Quetta, nagpumilit pumasok ang suspek na may bitbit na bomba sa polling station at nang siya ay pinigilan ay bigla na lang nitong pinasabog ang bomba.

Milyon-milyon ang bumoboto ngayon para sa kanilang nationwide election at hanggang ngayon ay wala pang rebeldeng grupo ang umaako ng pag-atake.

Sa ngayon ay mas hinigpitan pa ang seguridad at ipinwesto na ang nasa 370,000  na military at 450,000 na pulis. (Remate News Team)