Bouncer itinumba sa bar

Bouncer itinumba sa bar

March 16, 2022 @ 12:30 PM 4 months ago


ILOCOS SUR- Tigok ang isang 27-anyos na bouncer  matapos barilin mismo sa pinagtatrabahuang bar na pinagtratrabahuhan nito sa Brgy. Poblacion Sur, San Vicente  ng lalawigang ito kaninang madaling araw.

Ang biktima ay kinilalang si Kevin Villanueva y Racoma, 27, binata, residente ng Sitio Nagtupacan, Brgy. Pudoc, San Vicente, Ilocos Sur, nagtratrabaho bilang bouncer sa Option Bar.

Kinilala naman ang suspek na si Jerry Del Castillo y Burgos, 37, may asawa, OFW, residente ng Brgy. Capangdanan, Bantay, Ilocos Sur.

Nabatid na isang tawag ang natanggap ng San Vicente Municipal Police Station mula sa Option Bar tungkol sa nangyaring  shooting incident sa naturang lugar.

Mabilis namang rumesponde ang mga miyembro ng San Vicente MPS at pagdating nila sa lugar, nakita nila ang biktimang duguan kaya agad nilang isinugod sa Metro Vigan Coop Hospital.

Gayunman, ang biktima ay idineklarang dead-on-arrival ng doktor.

Agad namang naaresto ang suspek.

Narekober sa crime scene ang apat ng empty shell ng cal. 9mm.

Patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng San Vicente MPS para alamin kung ano ang puno’t dulo ng nangyaring pamamaril. Rolando S. Gamoso