Boxing WBC world champ Fury hinamon si UFC heavyweight Ngannou

Boxing WBC world champ Fury hinamon si UFC heavyweight Ngannou

January 24, 2023 @ 6:21 PM 1 week ago


MANILA, Philippines – Tahasang hinamon ni reigning WBC world heavyweight champion Tyson Fury ang dating UFC heavyweight champion Francis Ngannou sa isang boxing match.

Ito’y matapos umalis ang 36-anyos na si Ngannou sa UFC bunsod ng problema sa kanyang kontrata.

Hawak ng mixed martial arts artist ang record na 17 panalo at tatlong talo habang si Fury ay mayroong 33 panalo walang talo at isang draw na mayroong 24 knockouts.

Huling sumagupa si ring si Fury ay noong Disyembre kung saan tinalo nito si Derek Chisora sa pamamagitan ng technical knockouts sa loob na 10 round.JC