Boxing, weighlifting inalis 2028 Olympic

Boxing, weighlifting inalis 2028 Olympic

December 11, 2021 @ 10:22 AM 10 months ago


MANILA, Philippines – Isinama sa inisyal na sports programme ng 2028 Games sa Los Angeles ang skateboarding, sports climbing at surfing.

Ipinakilala ang nasabing mga sports sa  2020 Tokyo Olympics at ngayon ay kabilang na sa 28 sports na lalaruin sa 2028 Los Angeles Olympics.

Pero inalis naman sa 2028 LA Olympics ang weightlifting, boxing at modern pentathlon.

Ayon sa International Olympic Committee (IOC) president Thomas Bach,  may mga criteria na dapat tugunan ng nasabing mga sports sa 2023 Olympics para sila ay makasama.

Matatandaang nadawit  angweightlifting at boxing sa kontrobersiya gaya ng kurapsyon, pinansiyal at pamumumuno kaya pansamantalang inalis muna ito.Rico Navarro