Boy, Kapuso ulit?

Boy, Kapuso ulit?

August 29, 2022 @ 7:10 PM 1 month ago


Manila, Philippines – Asahan na sa last quarter ng 2022 ay magbabalik-telebisyon ang King of Talk na si Boy Abunda.

Welcome news ito para sa kanyang mga tagasubaybay na naka-miss sa kanya nang tatlong taon.

Alam naman natin na magkaibang-magkaiba ang galawan sa TV kumpara sa online, and this is what he sorely misses.

May natanguan lang siyang mahalagang commitment sa Amerika which will have him stay there for two to three weeks in September.

Inamin ni Boy na may pag-uusap na nagaganap between him and GMA but nothing is final yet.

If ever daw na babalik siya sa GMA, for sure ay mauunawaan daw ‘yon ng ABS-CBN.

In fact, ipinagpaalam niya sa Dos ang pakikipagpulong sa Siyete.

Proud ang TV host na sa kabila ng paglundag niya sa Kapamilya channel ay never siyang nagsunog ng tulay sa mga taga-GMA.

Boy’s last show on GMA was Startalk.

Saksi ang writer na ito sa nabanggit ni Boy many years ago.

Aniya, malakas daw ang kanyang pakiramdam na sa dulo ng lahat, he sees himself ending upRonnie Carrasco III with the Kapuso network.

Kaya hindi na nakapagtataka kung bago magtapos ang taon ay bubulaga na lang si Boy sa Channel 7.

Oh, we can’t wait to see it happen!