Boy, may takot sa pagbabalik-GMA!

Boy, may takot sa pagbabalik-GMA!

December 17, 2022 @ 11:36 AM 2 months ago


Manila, Philippines- Confident on the outside, but a bit anxious on the inside.

Ganito ang angkop na paglalarawan kay Boy Abunda as he officially returns to his original home, ang GMA.

Nitong December 15 ng hapon, tuluyan na ngang tinuldukan ng Asia’s King of Talk ang mga ispekulasyon kung sa aling major network ang lulundagan niya bilang pagpapatuloy ng kanyang galing sa TV hosting.

Isa nga ang dating alagang si Ai Ai de las Alas ang unang nakaalam ng pagbabalik muli ng talent manager-host sa naturang istasyon.

“Pero in fairness, hindi ko dinaldal, ha? Pag secret, secret. Kaya welcome back, ama!” ang all-smiles na bati ng Comedy Queen.

Sa mga 90s audience, taong 1994 when Boy hosted Show & Tell on GMA.

October 8, 1995 nang i-host ni Boy ang Startalk with two other hosts.

Taong 1999 nang lumipat na siya sa ABS-CBN via The Buzz.

Na-sideline lang si Boy due to the Covid outbreak, which had him turn to online hosting.

Bagama’t nakagamayan na rin niya ito ay iba pa rin daw ang hosting sa telebisyon.

Sa pagbabalik ni Boy sa GMA, nilinaw niyang maayos siyang nagpaalam sa pamunuan ng pinanggalingang network.

As Boy always says: “I don’t burn bridges.”

May pangambang nararamdaman lang si Boy, tumagal daw kasi ang gestation period sa TV landscape.

Pero aniya, “I hope to bring back the excitement on TV.”

Curious kung anong uri ng programa ang iho-host niya sa GMA ay nagpadala kami ng mensahe through Messenger sa dating katrabaho rin namin ni Boy who works as a station writer.

Habang sinusulat namin ito’y wala pa raw katiyakan which program type Boy will host.

Pero isa lang daw ang tiyak, sa January 2023 na ang pilot episode nito.

Kumbaga, si Boy ang isa sa mga pasabog ng GMA! Ronnie Carrasco III