Boy, nabiktima ni Mariel!

Boy, nabiktima ni Mariel!

October 1, 2022 @ 9:26 AM 2 months ago


Manila, Philippines – Ten million pesos for a single truck of fresh beef?

Ito kuno ang kailangang bayaran ni Mariel Rodriguez sa kanyang supplier although bayad na raw niya ang kalahati.

Ito ang naisip na prank para biktimahin ang kanyang mismong manager na si Boy Abunda.

Inensayo pa ng misis ni Senator Robinhood Padilla kung ano ang magiging diskarte at dialogue niya.

Pero aminadong kabado siya.

Minsan na raw kasi siyang sinabihan ng King of Talk na huwag gawing content ang pagpapa-prank sa mga vlog niya.

Yaman din lamang daw na isa nang ina si Mariel, why not come up with vlogs on motherhood?

Pero determinado si Mariel sa kanyang prank kay Boy.

Nagkataong nasa zoom meeting daw ito kaya iniklian na raw niya ang pakay ng kanyang pagtawag.

Nagdrama na ito that she needed P5 million to pay for the container of beef para nga sa kanyang Cooking Ina Food Market.

Pero nagbayad na raw si Mariel ng paunang limang milyong piso.

Kiyeme-kiyemeng hindi raw dumating ang inaasahan niyang pera to settle the balance.

Ani Boy sa kanya, tumawag uli pagkatapos ng zoom meeting para mapag-usapan kung paano nila mare-raise ang perang kailangan kuno ni Mariel.

Sa pagkakataong ito’y na-guilty na raw si Mariel, sabay sinabing prank lang ‘yon.

Still, Boy was willing to help ke prank man ‘yon o hindi.

Anito, “I am even willing to sell my house for you!”

Sa dinami-dami ng mga property ni Boy, alin kayang bahay ‘yon? Ronnie Carrasco III