Boy, Rita magkaibigan pa rin

Boy, Rita magkaibigan pa rin

January 31, 2022 @ 10:02 AM 8 months ago


Manila, Philippines – All’s well that ends well between Boy Abunda and Rita Avila.

Matatandaang kamakailan ay nagkomento si Rita sa paraan ng pagtatanong ni Boy kay Vice President Leni Robredo.

Isa si VP Robredo sa apat na presidential candidates na kinapanayam ng binansagang King of Talk.

Partikular na pinuna ni Rita ang laging pagsingit ni Boy habang sinasagot ni Robredo ang kanyang mga tanong.

Bitin tuloy ang mga manonood na umaaasang makarinig ng mas masustannsyang sagot mula sa VP.

Si Rita ay lantarang supporter ni Robredo.

Dahil ‘di nakatiis, ayon kay Rita’y tinext niya si Boy, “He called me up to return the respect.”

Nagkapaliwanagan daw sila, at nauunawaan daw ni Boy ang opinyon ng aktres, they being known for making honest public opinions.

Sinabi pa ni Rita na, “Boy had good words for VP.””

Sapat na raw ‘yon para maibsan ang sakit ng damdamin ng mga kapwa niya Robredo supporters.

Samantala, may isang netizen ang nagtanong kay Rita kung para ba sa kanya’y katanggap-tanggap o acceptable ang paliwanag ni Boy.

Ani Rita, “We listened to each other, I think that’s enough!” Ronnie Carrasco IIi