‘Boy’ saksak dahil sa karera ng kalapati hawak na ng MPD



‘Boy’ saksak dahil sa karera ng kalapati hawak na ng MPD

June 10, 2021 @ 1:52 PM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Naaresto sa isinagawang follow-up operation ng Manila Police District (MPD) ang isa sa itinuturong suspek sa pagpatay sa isang lalaki dahil lamang sa pustahan sa karera ng kalapati sa San Adnres, Bukid sa Maynila.

Kinilala ang suspek na si Virgilio Celis y Elogario, alyas “Vir,” 20, nakatira sa  1661 Estrada St., Barangay 767, San Andres Bukid, Maynila.

Nabatid na sumuko umano ang suspek nang malaman na tinutugis sila ng mga awtoridad sa isinasagawang follow-up operation.

Sinasabing aabot sa mahigit lima katao ang nagtulong-tulong para habulin, bugbugin, at saksakin ang biktimang si Kenneth Pagulayan y Santos alyas Pato, 30-anyos, binata ng 2080 Batangas Line St. San Andres Bukid, Maynila noong Hunyo a-sais ng hapon.

Sa kuha ng CCTV ng barangay na hawak na ng MPD-Homicide, makikitang nagawa pang tumakbo ng biktima ngunit nadapa kaya hindi na nagawang manlaban pa nang siya ay pagtulungan sa kanto ng Sagrada Familia St. at Granate St. San Andres Bukid

Sa naunang imbestigasyon, pustahan sa karera ng kalapati ang sinasabing dahilan ng insidente kung saan naningil ang biktima ng halagang P1,000 na hindi nabayaran ng mga salarin.

Ayon naman kay P/Major Henry Navarro, hepe ng MPD homicide tinatapos pa ang final report sa nasabing kaso na inaasahang isasalang sa Inquest Proceedings ngayong hapon. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)


  •  
  •  
  •