Boying sa WPP: Pamilya ng 4 suspek sa Degamo slay tulungan

Boying sa WPP: Pamilya ng 4 suspek sa Degamo slay tulungan

March 11, 2023 @ 2:27 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Iniatas na ni Justice Secretary Crispin Remulla sa Witness Protection Program (WPP) na bigyang-tulong ang mga pamilya ng apat na nadakip na suspek sa pagpaslang kay Negros Oriental Governor Roel Degamo.

Nilinaw ni Remulla na bagaman hindi pa pasok sa WPP ang apat na suspeks, bahagi naman ng serbisyo na ipinagkakaloob ng witness protection ang pagbibigay ng assistance o benepisyo maging sa panig ng mga akusado dahil tatayo rin ang mga ito na testigo.

Layon din aniya ng pagkakaloob ng tulong na mas mapadali o mas mahimok ang mga akusado na umamin o magsabi ng lahat ng kanilang nalalaman sa krimen.

Mahigpit ang tagubilin ng kalihim na ibigay sa pamilya ng mga suspeks ang “maximum effort” o lahat ng maaring maipagkaloob sa kanila.

Kinilala ang mga suspek na sina Osmundo Rivero myla Zamboanga, Joric Labrador mula Cagayan de Oro, Joven Aber Calibjo ng Negros Occidental at Benjie Rodriguez ng Misamis Occidental. Teresa Tavares