BrahMos missiles galing India inaasahang darating sa Pinas sa 2023 – envoy

BrahMos missiles galing India inaasahang darating sa Pinas sa 2023 – envoy

August 16, 2022 @ 4:24 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Inaasahan sa 2023 ang inisyal na delivery ng BrahMos missile system sa Manila, ayon sa Indian Embassy sa Manila said

Sinabi ni Indian Ambassador to the Philippines Shambhu Kumaran nitong Lunes na ang kontrata “is proceeding quite well.”

“We are expecting the deliveries to happen sometime next year, we don’t have a specific date but we’re working towards next year,” aniya.

Lumagda ang Department of National Defense ng kontrata sa pagbili ng Indian-made BrahMos medium-range ramjet supersonic cruise missiles na nagkakahalaga ng P18.9 bilyon, noong Enero 28.

Sa ilalim ng kontrata, makakukuha ang Manila ng tatlong missile batteries, na binubuo ng mobile autonomous launchers at tracking systems.

Pwedeng ilunsad ang BrahMos cruise missile mula sa barko ship, aircraft, submarine, o lupa at mayroong top speed na halos Mach 2.8 (halos 3,400 km. per hour), at kayang kumarga ng warheads na may bigat na 200 hanggang 300 kilograms.

ANG Philippine Marine Corps’ Shore Based Anti-Ship Missile battalion, na ini-activate noong Abril 3, ang mangangasiwa sa anti-ship missile systems. RNT/SA