BrahMos training sa India, nakumpleto ng 21 Pinoy Marines

BrahMos training sa India, nakumpleto ng 21 Pinoy Marines

February 20, 2023 @ 10:10 AM 1 month ago


MANILA, Philippines- Dalawampu’t isang Philippine Marine Corps (PMC) personnel ang nakakumpleto ng kanilang pagsasanay sa India kung saan tinuruan sila ng kasanayan sa pag-operate at maintenance ng shore-based anti-ship missile system (SBASMS) para sa intergrasyon ng world’s fastest supersonic missile in the world – ang BrahMos missile – sa sistema nito, ayon sa PMC nitong Sabado.

Pinuri ni Col. Romulo Quemado, commander ng PMC’s Coastal Defense Regiment, ang kanyang team sa pagkumpleto sa operator training ng BrahMos Shore-Based Anti-Ship Missile System at inihayag ang kanyang kumpiyansa na mapagagana ng trained personnel ang SBASMS para paigtingin ang coastal defense ng bansa.

Ginawaran ang PMC personnel ng interim missile badge at pin nu Admiral Radhakrishnan Hari Kumar, chief of naval staff ng Indian Navy. Nakatakda ang PMC personnel na maging unang operators ng BrahMos missile system sa labas ng India.

“The induction of the BrahMos missile into the Philippine Marine Corps will strengthen your maritime capability and will also contribute to our collective maritime security within the region,” pahayag ni Kumar.

Umarangkada ang pagsasanay mula Jan. 23 hanggang Feb. 11 “focused on the operations and maintenance of some of the most important logistics package of the SBASMS that will be delivered to the Philippines.”

Noong January 2022, lumagda ang Department of National Defense (DND) ng kontrata sa pagbili ng Indian-made BrahMos missiles bilang bahagi ng Shore-Based Anti-Ship Missile Acquisition Project ng Philippine Navy na nagkakahalaga ng $374,962,800 o halos P18.9 bilyon.

Bahagi ito ng priority projects sa ilalim ng second horizon ng revised modernization program ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Inaasahang darating ang BrahMos missiles is expected ngayong taon at ang Coastal Defense Regiment ng PMC ang magiging end-user nito. RNT/SA