Brandon Vera handa na vs Amir Aliakbari

Brandon Vera handa na vs Amir Aliakbari

December 2, 2022 @ 5:04 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Handa na umano si Brandon Vera sa laban ngayong Sabado kontra  kay Amir Aliakbari bilang isa sa pinakamalaking laban sa kanyang karera.

“Mas gugustuhin ko pang mamatay sa Circle kaysa matalo dito sa Pilipinas,” sabi ng 45-anyos na bumalik sa aksyon sa ONE 164: Pacio vs Brooks sa Mall of Asia Arena.

Ito ang magiging unang laban ni Vera sa bansa mula noong 2018 at ang kanyang unang laban mula nang matalo ang ONE Heavyweight World Championship kay Arjan Bhullar sa ONE: Dangal noong Mayo 2021.

Ayon Fil-Am na powerhitter na si Vera, excited na siya na muling sumagupa sa harap ng kanyang home fans laban sa Iranian wrestler.

“Sobrang excited ako lumaban ulit, pero the icing on the cake was lalaban ako rito sa Manila, dito sa ating bansa,” wika nito.

Binigang-diin ni Vera ang bigat ng laban na ito para sa kanya, buckling down sa kanyang pagsasanay habang humihingi din ng tulong sa kanyang world-class trainers at sinusubukan ang kanyang katapangan laban sa mas batang sparring partners.

“Sobrang importante itong laban na ito sa akin,” banat ni Vera. “We got the whole band back together. I flew out training partners to Guam. We had college wrestlers coming out to train with. I’ve been doing strength and conditioning since March.”JC