Brandon Vera nagretiro na

Brandon Vera nagretiro na

December 4, 2022 @ 3:09 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Tuluyang nang inihayag ni Brandon Vera ang pagreretiro sa mixed martial arts matapos makaranas ng technical knockout na pagkatalo kay Amir Aliakbari sa main card ng ONE 164: Pacio vs Brooks noong Sabado sa Mall of Asia Arena.

Hindi nakabawi ang dating ONE Heavyweight World Champion sa sandamakmak na suntok mula sa kanyang Iranian na kalaban dahilan para ipahinto ng referee na si Herb Dean ang laban sa tieympong sa 3:37 unang round.

“Kababayan, ang tagal ko nang ginagawa ito. You just witnessed my final fight,” ani Vera sa pagpapahayag nang pagtatapos ng kanyang career sa record na 16-10 win-loss.

Ikinatuwa naman ni Aliakbari ang panalo kung saan umakyat ang kanyang record sa 12-3.

Itinaas naman ni Jeremy Pacatiw bandila para sa Team Lakay nang talunin si Tial Thang gamit ang triangle choke sa 1:17 mark ng second round.

Siniguro nito na ang kanyang ikalawang pagtatangka na maipananalo na niya ang alban kontra sa Burmese.

“Hinanap ko yung opening and got the triangle choke. That’s it,” habang nakangiti matapos masungkit ang US$50,000 bonus.

Minalas naman si Geje Eustaquio at natalo ito via first-round knockout laban sa Chinese na kalaban na si Hu Yong.

Pinaulanan din ni Drex Zamboanga ang parada ng Team Lakay, na umiskor ng unanimous decision na tagumpay laban sa panalo ng ONE Warrior Series Philippines na si Adonis Sevilleno.JC